Monday, June 8, 2015

"Suntukan nalang, ano?"

Pano ko ba sisimulan itong bago nanamang blog na wala namang magbabasa. Basta ganto nalang, kung ano man ang mabasa mo kung tatamaan ka ibig sabihin ganto ka, kung hindi ka tinamaan ishare mo sa wall mo para tamaan yung iba mong friends sa facebook na ganito. Tungkol to sa “pang-ga-gangster ng mga feeling gangster na wala namang alam sa buhay kung hindi ang makipagbasag ulo.”

Bakit ko isinulat to? Dahil na-inspire ako sa katrabaho ng tatay ko noong maka-kwentuhan ko siya mga bandang alas tres ng madaling araw nitong ika-7 ng Hunyo, araw ng linggo. Sya ay si, itago nalang natin sya sa pangalang Nikaryo Pitong Gatang. Isa syang successful na businessman na nagmamay ari na ngayon ng isang kumpanya na gumagawa ng chemicals na pang plating sa mga parts ng sasakyan. Kung titignan mo si ginoong Nikaryo, napaka disente at aakalain mong siya yung tipo ng estudyante noong sya’y nagaaral pa na laging binubully. Kase kung pagbabasihan yung ugali at kilos nya aakalain mong nerd sya noong estudyante days nya. Pero hindi pala. Ika nya, sya raw ay suki sa guidance office ng school nila dati dahil lagi syang nakikipag basag ulo. Pero iba pala ang sistema dati ng pakikipagaway. Wow may sistema pala dati ang pakikipagaway? Sabi nya, noong panahon nya raw, kapag may nakaaway ka natural hamunan ng suntukan. Syempre papalag kase “sukatan daw ng pagiging lalake” kung lalaban ka or iiwas (pero I don’t believe in that bullshit). Pagkatapos ng suntukan at may panalo at natalo na, shake hands tapos okay na. Tapos na. Panalo na yung isa, yung isa talo. HINDI TULAD NGAYON. Ngayon kase kapag may nakaaway ka, pati lolo sa tuhod ng kaaway mo, kaaway mo na rin. Naalala ko noong highschool ako,may nakaaway ako. Para masolve, kakausapin daw ako. Makikipagusap lang daw. Pero teka, makikipag usap ka bat buong section mo nakapalibot sakin? Hahaha ano to prayer meeting? Bakit ganon? Ang alam ko isa lang ang kaaway ko pero bakit napuno na parang Noah’s arc yung room namin sa dami ng hayop, este, tao. Alam ko na plano eh, kukuyugin ako. Salamat sa mga kaklase ko at nagawang nilang paalisin si koya. Ayun, nawala kayabangan ko. Kasalanan ko rin kase mayabang ako. Eto pa ang malupet, halimbawa nga at lumaban ka ng suntukan, at yung kaaway mo ang natalo, asahan mo na kinabukasan may nakaabang sa gate ng school. Yari ka. Andyan na yung AXE GANG lol. Hindi matanggap ng mga utak-biya na talo sila, kelangang rumesbak. Babawi at babawi sila para masabing “TANGINA ASTIG AKO”. Bakit ganon sila magisip? Parang mga bata na lahat dinadaan sa away. Halos lahat ng argument kapag dehado sila, idadaan nalang sa suntukan. Parang ganto yan:

Scenario 1:
boy1: pare mali ka naman talaga, bakit mo nililigawan gf ko eh gf ko na sya.
boy2: wala akong pake sayo, ikaw ba nililigawan ko?
boy1: hinde, gf ko. Eh gf ko nga sya kaya hindi pwede. Taken na.
boy2: suntukan nalang!
- apparently, lahat ng stupid people sa lipunan natin akala ay mananalo sila sa argument kung hahamunin nila ng suntukan yung kausap nila.

Scenario 2:
boy1: mas magaling ang Cavs!
boy2: hinde, mas magaling ang GSW!
boy1: hinde, si Lebron palang gg na kayo!
boy2: suntukan nalang!
-tang ina naman ni boy 2, parang tanga magisip. Lahat nalang ba idadaan mo sa suntukan?

Sana pwede mong i-enlarge yung mga utak ng mga ganyang tao. Ga-munggo yata. Mas makitid pa sa eskinita  kung saan nasagasaan si Paraluman kung paano sila magisip. Ang mahirap nyan, teenagers palang ganyan na kalala magisip. Sinasabi ko sa inyo, pag nagmatured ang bobo, tanga na yun. Mahirap nang pangaralan ang tanga kase sarado na ang utak. Ang bobo wala lang laman pero medyo may butas pa na pwedeng pag insertan ng wisdom.  Kaya yung mga tanga na pumapatay ng tao dahil sa napakababaw na dahilan kagaya ng hindi pagbabayad ng utang, hindi binalik yung hiniram na martilyo, hindi pinatay yung ilaw sa banyo, sila yung mga bobo nung kabataan nila na wala ng ibang ginawa kung hindi daanin lahat sa pakikipag suntukan. Hoy mga kupal. Kung inaakala nyong gangster kayo sa lagay na yan, hindi ganyan ang tunay na gangster sa America. Dun kase, gangster din ang kaaway nila at hindi sila nang aapak ng karapatang pangtao ng hindi naman kasali sa gangster. Eh dito sa Pilipinas? Matignan mo lang ng 5seconds hahamunin ka na ng suntukan. Galing no. Yaan nalang natin. Isa lang naman ang pwede nating gawin eh:

WAG SILANG PAUTANGIN KAPAG KAYO AY KUMIKITA NA NG PERA AT SILA AY NANGUNGUTANG SATIN BALANG ARAW.


P.S.
Yung mga nabully/binubully sa school, magaral lang kayo ng mabuti. Wag kayong tumulad sa mga taong may 15 hectares na space sa loob ng bumbunan nila dahil sa sobrang liit ng utak. Tiis lang, tyaga at kapag may trabaho ka na, kumaen ka sa McDonalds’ at may 80% chance kang maencounter sa cashier yung nambully sayo. Sino ngayon ang nakakahiya?

1 comment:

  1. hahahaha! suntukan na lang! :p

    Kidding aside, this is a great article. Reminds of Bob Ong and Eros Atalia. It also showcased your sharp wit. Good job Bien!

    ReplyDelete